Sabado, Abril 30, 2011

Gayuma sa Pananaw ni Uro Hormiga




Gayuma or Panggagayuma is the attempt to bind the passions of another, or to capture them as a lover through magical means rather than through direct activity.It can be implemented in a variety of ways, such as written spells (orasyon), charms (mga mutya gaya ng mutya ng gugo), amulets (mga garing tulad ng Sto. Nino na Hubad, at kambal-tuko), love potions (gaya ng langis na pamahid na nauna nang kinargahan ng orasyon), or different rituals (gaya ng ritwal sa kandila).

Bakit nga ba naging "taboo" o iniiwasang paksa ang paggamit ng gayuma sa mga katulad nating nag-aaral at nagsusuri tungkol sa orasyon at agimat? Isang kaibigan ang nagtanong sa akin kung masama ba ang paggamit ng gayuma. Ang naging katugunan ko ay ganito. Humingi sa iyo ng kutsilyo ang kaibigan mo upang magbalat ng mga prutas, bibigyan mo ba sya? Subalit kung kasalukuyan siyang nakikipag-away at humingi sa iyo ng kutsilyo?... Masama ba ang lason? Kung ang inyong taniman ay sinasalanta ng peste, gagamit ka ba ng lason? Kung ikaw ay may galit sa taong pagsisilbihan mo ng pagkain, lalagyan mo ba nito ang pagkaing ihahain mo sa kanya? Ang apoy ba ay may mga kapakipakinabang na gamit, o isang bagay na nakakasira sa buhay at kabuhayan ng tao?

Pagkakalooban mo ba ng mabisang orasyon upang huwag iwanan ang isang babaing walang hanapbuhay, at may tatlong maliliit na anak, na balak iwanan ng asawa upang makisama sa isang babaing nakilala nya sa bahay-aliwan? Tuturuan mo ba ng orasyong pang-akit sa asawa upang lalong mahalin ng mister, ang isang babaing may asawang kasalukuyang nakikipagrelasyon sa iba. Tutulungan mo ba ang isang babaeng iniwan ng kasintahan matapos mabuntisan, ng mga orasyong pampabalik at pambalisa? Ituturo mo ba ang mga gamit at orasyong pampaamo sa mga taong may negosyong may kinalaman sa mga gamit at damit na pambabae? Ibabahagi mo ba ang mga orasyon pampaamo sa mga maliit na taong madalas makagalitan at sigawan ng kanilang mga amo?... o ibabahagi mo ba ang mga lihim na orasyon ng Sto. Nino na Hubad sa mga lalaking nais lamang maglugso ng puri ng mga birhen o may asawa?

Kasabihan nga na ang pagtataglay ng karunungan ay may kaakibat na malaking responsibilidad sa kapwa. Ano mang uri ng anting-anting at orasyon ay may kaliwa't kanan. Sa paggamit nito, lagi sana nating isaisip na sa takdang oras, tayo ay huhusgahan ng Panginoon ayon sa nilalaman ating budhi.

Post script: Ang nasusulat po sa taas ay opinyon ko po lamang. Paumanhin po sa mga taong may ibang pananaw ukol sa paksang ito. Lahat po tayo ay may karapatan na magpahayag ng ating sariling opinyon ayon sa ating sariling karanasan at paniniwala. Salamat po.